Northern Chile tinamaan ng 7.4-magnitude na lindol
Tinamaan ng malaking magnitude 7.4 na lindol ang northern Chile.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang sentro ng lindol ay natunton 164 na milya (265 kilometro) sa silangan ng coastal city ng Antofagasta, sa lalim na 78.5 milya (126 kilometro).
Sinabi ni Chilean President Gabriel Boric, “So far there are no reports of injuries or major damage, but teams are gathering information.”
Ang Chile ay nasa kahabaan ng Pacific “Ring of Fire,” isang arko ng intense seismic activity na ang haba ay mula Japan hanggang sa Southeast Asia at magkabilang panig ng Pacific basin.
Noong 2010, isang 8.8-magnitude na lindol ang nag-trigger ng tsunami na tumangay sa buong village sa timog at sentro ng bansa, na ikinamatay ng humigit-kumulang 520 katao.
Nasa border ng Pacific Ocean sa kanluran at ng Andes mountain range sa silangan, ang Chile ay itinuturing na “one of the most seismically active countries in the world.”
Ang sentro ng lindol ay nasa humigit-kumulang 50 milya mula sa border ng Chile sa Argentina, at wala pang 20 milya mula sa border nito sa Bolivia.