Northern Police District nagsagawa ng Community Outreach Program sa 2 Barangay sa Navotas City
Tinatayang nasa 250 Navoteño mula sa magkaibang barangay ang nabenipisyuhan sa Community Outreach Program na isinagawa ng Northern Police District (NPD) sa lungsod ng Navotas.
Pinangunahan ni OIC for Community Affairs Pol. Capt. Adonis Sugui ang pamamahagi ng food packs sa 100 indibidwal mula sa Phase 1C, Babanse St., Barangay Nbbs Kaunlaran, at 150 residente naman sa Market 3, Barangay Nbbn.
Kasabay nito, ang feeding program na tinataya namang nasa 400 kabataan ang nakinabang.
Ayon sa opisyal, sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng proyekto, ang mga dating makakaliwang grupo, ngayon ay patuloy nang sumusuporta sa panig ng pamahalaan.
Samantala, pinasalamatan din ng opisyal ang PNP-Maritime, Phil. Army at RCSP-NCRPO sa pakikipagtulungan sa matagumpay na humanitarian activity sa lugar, sa direktiba at paggabay ni Navotas City Chief of Police Col. Dexter B. Ollaging.
Ulat ni Aldrin Puno