Northern Samar, nilindol kaninang umaga

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ng Northern Samar kaninang umaga.

Pero agad na nilinaw ng PHIVOLCS na walang kinalaman ang naganap na lindol sa serye ng paglindol sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa PHIVOLCS,  ang naganap na paglindol ay tumama sa bahagi ng karagatan na may lalim na 27 kilometers.

Ito ay may kaugnayan  sa paggalaw ng Philippine trench at hindi magdudulot ng anumang tsunami.

Naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng Leyte hanggang sa ilang lugar ng Bicol Region.

Bago ang main quake na 5.4 magnitude ay nairehistro muna ngPHIVOLCS ang tinatawag na foreshock na nasa 4.5 magnitude.

Samantala nagbabala naman ang PHIVOLCS na asahan na rin ang aftershocks na mangyayari.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *