Novak Djokovic lalahok sa Monte-Carlo Masters
Si Novak Djokovic, na nahulog mula sa kanyang No. 1 ranking at pinagbawalan sa maraming tennis tournament dahil sa kanyang unvaccinated status, ay lalahok sa Monte-Carlo Masters sa susunod na buwan.
Ayon sa post ng team ni Djokovic sa kanilang website . . . “Novak will open his 2022 clay court season in Monte-Carlo, where he won the Masters 1000 title twice, in 2013 and 2015. The tournament will be held at the Monte-Carlo Country Club from April 10 until April 17. Last year Novak fell to Daniel Evans in the third round.”
Ang Monte-Carlo Masters ay ginaganap sa Monaco, kung saan nakatira si Djokovic. Ang maliit na bansa ay nagpapahintulot sa mga foreign travelers na pumasok dala ang patunay ng paggaling mula sa COVID-19 sa loob ng huling anim na buwan. Sinabi ni Djokovic na nagpositibo siya sa COVID-19 — sa pangalawang pagkakataon — noong Disyembre.
Ang Monaco tournament ay nagsisilbing isa sa maraming warm-up clay court season competitions para sa 2022 French Open. Ang ikalawang Grand Slam tournament ng tennis season ay tatakbo mula Mayo 22 hanggang Hunyo 5 sa Roland Garros sa Paris.
Si Djokovic ay hindi pinayagang lumahok sa unang Grand Slam ng season, ang Australian Open, dahil sa kanyang deportasyon mula sa Australia dahil hindi pa siya bakunado. Hindi rin pinahihintulutan ang Serbian tennis star na lumahok sa mga paligsahan sa Amerika dahil sa mga panuntunan ng United States COVID-19 para sa international travel.
Kamakailan ay niluwagan ng France ang mga paghihigpit nito sa COVID-19 at hindi na sila magre-require ng vaccine passports sa susunod na buwan. Ang hakbang na iyon ay maaaring maging daan para sa unang Grand Slam appearance ni Djokovic ngayong 2022.
Si Djokovic, na ranked No. 2 sa nuong mundo, ay natalo kay Jiri Vesely sa quarterfinals ng Dubai Tennis Championships noong Feb. 24 sa Dubai.