Noveleta, Cavite, tiniyak na may sapat na pondo para sa mga evacuees
Aminado si Noveleta, Cavite mayor Dino Reyes Chua na isang hamon para sa kanila ang paglilikas sa kanilang mga kababayan na naapektuhan ng Typhoon Rolly sa gitna ng Covid-19 Pandemic.
Sinabi ng alkalde sa panayam ng Radyo Agila na hindi nila pwedeng punuin ang mga evacuation centers upang masunod ang mga health protocol at physical distanging.
Umaga pa lamang kanina ay nagsagawa na ang lokal na pamahalaan ng forced evacuation sa mga residenteng naninirahan malapit sa baybayin at mga nasa high-risk areas.
Paliwanag ni Chua, tuwing ganitong paglilikas ay karaniwan nang nagkakaroon ng sapilitan at pinapakiusapan nila ang mga residente lalu na ang mga ayaw iwanan ang kanilang mga bahay.
Nagpapasalamat aniya siya dahil nasa limang evacuation center ang kanilang binuksan sa buong bayan ng Noveleta kaya tiniyal niyang kaya nilang i-accomodate ang mga evacuees.
Siniguro rin ng alkalde na mayroon pa silang Calamity fund na magagamit para sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng kaniyang mga kababayan.
Kasabay nito, nanawagan si Mayor Chua sa kaniyang mga kababayan na lalu na sa mga naninirahan sa tabing-dagat na unahin ang kaligtasan dahil may mga inihanda silang programa para matugunan ang pangangailangan ng mga evacuees.
“Nanawagan po ako sa aking mga kababayan lalau na sa mga nakatira sa tabing-dagat na unahin ang kaligatasan lalu na ang mga bata at senior citizen. May nakahandang programa para sa kanila at may mga nakabantay sa mga evacuation centers na mag-aasikaso ng mga pagkain”.– Mayor Dino Reyes-Chua, Noveleta, Cavite