NPC, hindi mag-eendorso ng Presidential candidate
Hindi mag-eendorso ang partidong Nationalist People’s Coalition ng susuportahang kandidato sa pagka Pangulo.
Ito ang nilinaw ni NPC Chairman at Vice presidential candidate Vicente Sotto matapos umanong sabihin ni Tarlac representative Victor Yap na inindorso na umano ng NPC ang Uniteam nina BBM at Sarah Duterte.
Ayon kay Sotto, hindi kumakatawan ang desisyon ng kanilang Regional o Provincial chapter sa buong NPC.
Sinabi ni Sotto, nakausap niya ang mga council of leaders ng NPC at malinaw ang kanilang
pahayag na susuportahan ang kaniyang kandidatura sa pagka pangalawang Pangulo bilang Chairman.
Pero walang idedeklarang pambato sa pagka Pangulo.
Ito’y bilang paggalang sa kaniyang katandem na si Senador Ping Lacson dahil ang ibang lider ay may ibang itinutulak na mga kandidato .
Tatlo sa mga tumatakbong Senador ng NPC na sina re electionist Senador Sherwin Gatchalian, Antique Representative Loren Legarda at dating Mayor Herbert Bautista ay nasa tiket ng Uniteam.
Sa kabila nito, walang balak ang NPC na patawan ng sanction ang mga lider nitong hindi susunod sa kanilang mga naunang commitment .
Meanne Corvera