NSC adviser ni Trump, magre-resign na
Magbibitiw na sa kanyang pwesto ang deputy National Security Adviser ni US President Donald Trump na si K. T. McFarland tatlong buwan makaraan itong maitalaga sa naturang posisyon.
Ito ay makaraang tanggapin ng dating Fox News analyst ang alok sa kanya bilang United States Ambassador to Singapore.
Ang naturang force resignation ni McFarland ay ilang araw pa lamang ang nakalipas makaraang sibakin ni Trump ang kanyang chief strategist na si Steve Bannon ng National Security Council (NSC).
Sakop ng NSC ang national security at foreign affairs.
Kinumpirma mismo ng mga opisyal ng White House ang pagbaba sa pwesto ni McFarland bagaman sinabing hindi agaran ang kanyang pag-alis sa posisyon gayong hindi pa naman pinal ang kanyang ambassadorship sa Singapore.