NTC humarap sa pagdinig ng senado hinggil sa apatnaput limang libo na naitalang reklamo ukol sa text scams
Umaabot na mahigit apatnaput limang libo ang naitalang text scam o reklamo ng panloloko ng National Telecommunications Commission gamit ang simcard
Iyan ay kahit nakarehistro na ang lahat ng prepaid simcard sa ilalim ng sim registration law.
Sa pagdinig ng senate committee on public services, sinabi ng NTC na karamihan sa kanilang natanggap na reklamo, naloko sa pamamagitan ng text at nakapagbigay ng pera sa mga scammers
“But most of the complaints received was that they just want these numbers to be blocked because they received all the scams you mentioned a while ago.” pahayag ni Commissioner Ella Blanca Lopez
Sabi ni lopez, hindi matukoy ang pagkaka-kilanlan sa mga scammers dahil gumagamit ng mga pekeng identification cards
Kaya mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno para labanan ang text scam
“In sum po, the NTC believes that the sim registration is a good law. It’s actually eliminated an easy way for people to scam or defraud people, but as the government is trying to protect its consumers, the criminals are also updating their ways and means to commit a crime.” patuloy na pahayag ni Lopez
Hanggang nitong september 3, sinabi ng NTC na umabot na sa mahigit 118 million ang nakapagparehistro
Tanong ni senador Grace Poe, ano ang ginagawa ng mga otoridad at ng mga telecommunications companies laban sa pagkalat ng text scams at kung may nakasuhan na hinggil ditto.
“Gusto nating malaman mula sa DOJ mayroon na bang naihaing kaso sa mga manloloko po go provision of this act corresponding charges kung malikhain ang mga manloloko dapat mas maging malikhain tayo” paliwanag ni senador Grace Poe
Depensa naman ng mga telcos, bino-blocked agad nila ang mga numero kapag naireklamo sa NTC pero ang ibang scammers gumagamit na ng internet space para makapambiktima
“We have been coordinating with the law enforcement agencies DOJ in blocking and also helping our their operations more importantly aprehends scammers phising internet space using service viber whapps intervention operators” pahayag Vice President and Head regulatory affairs Smart Attorney Roy Ibay
kinumpirma naman ng NBI na tumaas pa ang reklamo laban sa mga scammers at ginagamit na rin ang cyberspace para makapambiktima pero kulang ang magbabantay
“We often received 30 to 40 complaints walk in yan sir, at most of the cases involved ESPS (electronic services provider) like viber, twitter, linked in, yan sir, actually tumataas po sya sir. Ang issue po namin because of the rise of CAS, we call it cybercrime as a service, and then the phishing as a service, the list goes on.. yung cybercrimes po has been democratized parang free na yan sa cyberspace na kulang po talaga yung nagbabantay.” paliwanag ni chief cybercrime Division Jeremy Lotoc
Sinuspinde muna ng senado ang pagdinig sa isyu at pinadalhan na ng imbitasyon para humarap sa susunod na imbestigasyon ang mga e-wallet operators o mga pera padala para alamin ang kanilang mga ipinatutupad na security measures hinggil dito.
Meanne Corvera