NTC naglunsad ng Automated Platform para sa licensing at permitting processes

Bilang bahagi ng kanilang digitalization efforts, inilunsad na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kanilang automated platform para sa licensing at permitting processes.

Sakop ng pilot testing ng Online Processing System with Digital Payment System project ang operation ng Licensing Management ng Network & Facilities Division at Services & Interconnection Division ng NTC.

Layon ng bagong proyekto na ito na mai-streamline at mapabilis ang proseso at pag-iisyu ng lisensya, permit, certificates, authorizations, at clearances para sa mga telecommunications at internet infrastructure sa bansa.

Nauna ng nagsagawa ng soft launch para sa paglulunsad ng nasabing proyekto na dinaluhan ng mga opisyal ng NTC, mga kinatawan ng system providers at telco.

Inaasahang maisasagawa ang grand launch ng nasabing proyekto sa Oktubre.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *