Nuggets at Lakers, maghaharap sa bagong NBA season
Maghaharap sa pagbubukas ng bagong NBA season ang kasalukuyang kampeon na Denver Nuggets at Los Angeles Lakers, habang ito rin ang magiging regular-season debut ng French prodigy na si Victor Wembanyama para sa 2023-2024 league.
Ang kampanya ay magbubukas sa Oktubre 24 at magtatapos sa Abril 14, 2024, kung saan ang bawat club ay maglalaro sa 82 regular-season contests at magtutunggali rin sa inaugural NBA In-Season Tournament, na magtatapos sa Nobyembre 3 at sa Las Vegas naman ay matatapos sa Disyembre 9.
Sa opening night, ay maghaharap din ang Phoenix Suns at ang Golden State Warriors.
Magbibigay ng puwersa sina Stephen Curry, Draymond Green at Klay Thompson sa Golden State laban kina Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal ng Suns.
Ang 7-foot-4 French teen star naman na si Wembanyama, na siyang top pick sa NBA Draft ngayong taon, ay magsisimula na ng kaniyang NBA regular-season debut para sa San Antonio Spurs sa October 25 laban sa Dallas Mavericks, na pangungunahan nina Luka Doncic at Kyrie Irving.
Sa October 25 pa rin, pangungunahan nina Jayson Brown at Jayson Tatum ang puwersa ng Boston Celtics laban sa New York Knicks.