Number Coding Scheme, mananatiling suspendido -MMDA
Mananatiling suspendido ang Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng pagpapalawig sa pag-iral ng General Community Quarantine ( GCQ ) sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mananatiling suspendido indefinitely ang number coding.
Lifted din ang lahat ng regulasyon para sa truck lanes, truck ban hours at light truck ban.
Sa Makati City, umiiral na ang modified number coding simula pa nang unang isailalim sa GCQ ang Metro Manila.
Please follow and like us: