Number coding scheme, planong palawigin ng MMDA sa Metro Manila

download
courtesy of wikipedia.org

Balak ng Metropolitan Manila Development Authority na palawigin ang number coding scheme para mabawasan ang volume ng mga pribadong sasakyan sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, dapat mabawasan ang dami ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila dalawang beses kada linggo.

Ipinunto ng MMDA na mayroong 2.6 na milyong sasakyan sa Metro Manila at sa oras na magsabay-sabay ang mga ito sa mga kalsadang tulad ng EDSA ay tiyak na magdudulot ito ng napakatinding daloy ng trapiko.

Aminado si Lim na hindi naman maaaring makumpromiso ang public transport system sa pinalawig na number coding scheme dahil magkakaroon ito ng malaking epekto sa mga commuter.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *