NVOC at mga LGU nag-uusap na matapos hindi matuloy ang booster shot vaccination sa mga kabataan
Nag-uusap na ang National Vaccination Operations Center at mga lokal na pamahalaan kaugnay sa magiging plano sa pagbabakuna sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos.
Ito ang tiniyak ng Department of Health matapos ipagpaliban ang implementasyon ng pagbibigay ng booster shot sa mga menor de edad na hindi immunocompromised.
Kasunod ito ng kondisyon ng Health Technology Assessment Council na dapat ay 40% na ang coverage ng 1st booster shot vaccination sa mga senior citizen bago simulan ang pagbibigay ng 3rd dose sa non immunocompromised na menor de edad.
Ayon sa DOH, sa oras na may mabuong maayos na polisiya at agad itong iaanunsyo ng DOH.
Madelyn Villar-Moratillo