NVOC, magtatalaga ng mga social mobilizer para pataasin ang anti-Covid-19 vaccination response ng publiko
Aminado ang National Vaccination Operation Center (NVOC) na bumagal ang anti-COVID-19 vaccination response ng publiko dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng Coronavirus sa bansa.
Sinabi ni NVOC Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na magtatalaga sila ng mga Social Mobilizer para pataasin ang vaccination reponse ng publiko.
Ayon kay Cabotaje ang mga itatalagang Social Mobilizer ay magbabahay-bahay sa ibat-ibang panig ng bansa upang ipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Inihayag ni Cabotaje na hindi naabot ng NVOC ang target na 70 milyong populasyon ng bansa sa pagtatapos ng buwan ng Marso ang dapat fully vaccinated laban sa COVID 19 dahil bumagal ang response ng publiko dulot na rin ng pagbaba na ng kaso ng virus.
Niliwanag ni Cabotaje na kahit bumababa na ang kasong COVID 19 sa bansa mahalaga parin na magpabakuna dahil posibleng lumobo uli ang kaso ng coronavirus dulot ng mutation at nagkakaroon ng bagong variant tulad ng Omicron at Deltacon na dahilan ng paglobo ng kaso sa ibang mga bansa.
Vic Somintac