Occupancy rate ng Covid-19 beds sa bansa, bumaba na
Matapos maibaba sa moderate risk ang Covid-19 situation, patuloy rin sa pagbaba ang occupancy rate ng Covid-19 beds sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, hanggang nitong Oktubre 10, sa 15,324 Covid-19 ward beds sa bansa, 55.5% na lang ang okupado.
Sa 21,079 isolation beds naman, 54.3% ang okupado.
Sa 4,427 ICU beds naman, 70.4% ang okupado.
Sa 3,306 mechanical ventilators naman 50.1% ang okupado.
Sa National Capital Region, 50.2% ang utilization rate ng Covid-19 beds, habang 68.9% naman sa ICU beds.
Sa mga rehiyon sa bansa, pinakamataas naman ang occupancy rate ng Covid 19 beds sa Cordillera Administrative Region na nasa 91.9% habang nasa 85.5% ang ICU utilization rate.
Madz Moratillo