Occupancy rate ng COVID-19 beds sa bansa, bumaba na rin
Kasabay nang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa bumaba na rin ang occupancy rate ng COVID-19 beds.
Sa datos ng Department of Health, mula sa 30.9 percent occupancy rate noong nakaraang linggo nasa 28.1 percent na lang ang utilization rate ng COVID-19 beds.
Ibig sabihin sa 21,287 non-Intensive Care Unit beds ay 5,986 lang ang okupado.
Bahagya namang tumaas ang ICU bed occupancy rate na mula sa dating 24.8 percent ay 24.9 percent na ngayon o sa 2,551 ICU beds ay 635 ang okupado.
Ang kaso ng severe at critical patients ay bahagya ring tumaas kung saan mula sa dating 9.3% ay tumaas sa 10.5% ngayon.
Kumpara sa nakalipas na linggo, mas mababa na ulit sa tatlong libo ang naitalang arawang kaso ng COVID-19 kung saan nitong nakaraang linggo ay nasa 2,752 ang average daily cases.
Madelyn Villar- Moratillo