Occupancy rate ng COVID-19 beds sa bansa nasa 68% na
Umakyat na ngayon sa 68% ang occupancy rate sa ng Covid 19 beds sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, ang ICU utilization rate ngayon umabot na sa 74%.Ibig sabihin, sa 4,135 ICU beds ay 3,040 na Ang okupado.
Habang sa 14,784 Covid 19 ward beds naman ay 70% o 10,318 na ang okupado.
Sa 20,371 isolation beds naman, 65% o 13 144 na ang okupado.
Sa Maynila, ilan sa mga nagdeklara na ng full capacity ay ang Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Tondo.
Habang ang Ospital ng Maynila naman nag-anunsyo ng limitasyon ng pagtanggap ng pasyente dahil malapit na umano nilang mapuno ang kanilang COVID 19 suspect at COVID 19 positive wards.
80% din umano ng kanilang mga doktor ay naka-quarantine dahil symptomatic o nagpositive ang kanilang swab result.
Madz Moratillo