Office hours sa mga tanggapan ng gobyerno balak baguhin ng MMDA
Target ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang pagpapalit ng office hours sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro manila.
Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, maaaring magsimulang mag-operate ang ilang ahensiya ng gobyerno ng alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ito ay para mabawasan ang matinding trapiko tuwing rush hours.
Inirerekomenda rin ng MMDA ang 4 day-work week na may 10 oras na trabaho kada araw.
Sumulat na ang MMDA kay Civil Service Commission Chairman Karlo Alexie Nograles bago sila makipagpulong para talakayin ang kanilang rekomendasyon….
Please follow and like us: