Office of the Vice- President at USAID inilunsad ang libreng training program para sa mga out-of-school youths at mga walang trabaho
Nagsanib-pwersa ang United States Agency for International Development (USAID), Philippine Business for Education (PBEd), at ang Office of the Vice- President (OVP) para magkaloob ng libreng skills training sa mga out-of-school youth at mga unemployed.
Ayon sa US Embassy, tinatayang mahigit 1,000 walang trabaho at mga out-of-school na kabataang Pilipino ang makikinabang sa TrabaHOPE program ng OVP, at YouthWorksPH ng USAID AT PBEd.
Magiging co-sponsor ang OVP sa pangangailangan sa training ng 18-30 anyos na mga kabataan na kwalipikado sa YouthWorksPH na libreng technical-vocational program sa mga kabataang hindi nag-aaral at sa mga walang trabaho.
Kabilang sa sasagutin ng OVP ang daily allowance, hands-on materials,internet allowance at pre-employment support ng mga lalahok.
Ang YouthWorks naman ang magkakaloob ng learning devices, online mentoring, online/blended tech-voc training, in-company training, at TESDA national certification.
Moira Encina