OFW na pinainom ng bleach ng kaniyang amo sa Saudi Arabia, masusing minomonitor ng DFA

Nakikipag ugnayan na ang Department of Foreign Affairs o DFA sa mga otoridad sa Saudi Arabia kaugnay ng panibagong kaso ng pagmamaltrato sa isang Overseas Filipino Worker o OFW.

Batay sa impormasyon ng DFA mula sa Philippine consulate sa Jeddah, nasa kritikal na kundisyon pa rin sa King Fahad Central Hospital in Jiza ang biktima na si Agnes Mancilla.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos, si Mancilla ay isinugod sa pagamutan ng mga Pinoy noong April 2 matapos umano siyang pwersahin ng kaniyang employer na uminom ng household bleach.

2016 pa raw ito sinimulang abusuhin ng kaniyang employer batay sa mga nakitang bakas ng sugat at pasa sa kanyang likod at hindi ibinibigay ang kaniyang sweldo.

Tiniyak ng embahada na isusulong ng gobyerno ang kaso matapos maaresto ang kaniyang employer.

Consul Edgar Badajos:
“We would like to assure our kababayans that we are working closely with authorities in Jiza to make sure that justice will be given to Agnes Mancilla”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *