OFW sa Qatar na nagrequest ng danggit sa hinahangaang singer (pasabuy)
Mga kapitbahay, kumusta na po? Kamakailan ay nakakuwentuhan natin ang isang nagviral sa social media na kababayan natin sa Qatar na nagrequest kay Ms. Moira dela Torre ng danggit.
Tinutukoy po natin si Mr. Christian Baysa at ito ang kaniyang kuwento sa atin….
One morning, habang nagkakape daw siya, nag-scroll ng facebook at sa news feed ay puro daing at danggit ang nakikita niya, hanggang sa makita niya ang balita na si Ms. Moira ay may fan meeting sa Qatar.
At sinubukan lamang naman daw niya na i-request sa kaniyang hinahangaang singer na kung puwede siyang madalhan ng danggit kapag nagpunta ito sa Qatar para sa fan meeting.
Hindi niya ‘expected’ na seseryosohin ito ni Ms. Moira. (ang bait naman
ni Ms. Moira).
So, nakuha niya ang danggit na kaniyang ni-request. Sabi nga ni Christian ay unti-unti niyang iniluluto ito para hindi gad maubos lalo pa na at wala silang mabili ng kaniyang misis na danggit sa Qatar.
Alam po ba ninyo na dahil sa danggit na kaniyang natanggap na pasalubong ay nakagawa siya ng danggit pizza? Ang sabi ni Christian, weirdo ang pagkagawa, pero, kung tutuusin ang mga Italyano nga ay gumagamit ng anchovies o ‘yung parang bagoong bilang sangkap din ng kanilang pizza.
Ang feedback daw po ng mga kasamahan ng kaniyang misis na isang nurse sa isang health center duon ay …. masarap! Try kaya natin mga kapitbahay, danggit pizza, ano sa palagay ninyo?
Samantala, si Christian ay freelance chef sa Qatar. 2013 nang siya ay dumating duon. Nasa isa siyang malaking catering company na may mga kasamang international chefs. Dahil sa kasama na rin ang mga ito nang matagal, nakakuha na siya ng mga idea sa mga ito na nagagamit niya para makapagdevelop ng bagong recipe gaya ng bulalo rice na parang kabsa (national dish ng Saudi Arabia, ito ay isang dish made of rice and meat).
Puwede ninyong makita ang kaniyang bulalo rice sa kaniyang fb page, Boy Ulam Lutong Bahay.
Ngayon ay nagte-train din siya ng mga staff sa restaurants, consultant din sa mga gustong magbusiness ng pagkain. Gusto ni Christian na makapagdevelop ng ‘fusion’ ng iba’t ibang recipe at maipakilala ang mga Pinoy recipe hindi lang sa Qatar maging sa iba pang lugar na maaari niyang mapuntahan.
Siyanga pala, puwede po ninyong mapanood ang buong interview natin kay Christian sa Feb. 22 episode ng programang Kapitbahay, Radyo Agila, sa FB at YT, until next time.