Olympic flag ipinasa ng aktor na si Tom Cruise sa alkalde ng Los Angeles, sa closing ng Paris Games
Tumalon mula sa bubungan ng national stadium ng France ang aktor na si Tom Cruise, upang kunin ang Olympic flag sa pagsasara ng seremonya ng Paris Games, para ipasa naman ito sa Los Angeles na susunod na host.
Inawit ng Grammy-winning R&B artist na si H.E.R ang Mission Impossible soundtrack habang si Cruise ay tumatalon, 50 metro pababa sa sahig ng Stade de France, na nagpatigil sa paghinga ng mga manonood, sa finale ng isang seremonya na pinaghalo ang “traditional, obscure and the razzle dazzle of Tinseltown.”
Kung ginamit ng Paris ang kanilang iconic landmarks gaya ng Eiffel Tower at Palace of Versailles upang bihagin ang puso ng Olympians at mga manonood, ginamit naman ng LA ang kaniyang A-list celebrities.
Ibinaba na ng Paris ang kurtina ng isang Olympic Games na nagbigay ng bagong hininga ng buhay sa Olympic, makaraan itong dumanas ng mga paghihirap sa 2016 Rio de Janeiro Games at COVID-hit event ng Tokyo Olympics.
Mismong ang mga Parisian ay ‘na-carried away’ ng ‘Olympic fervour.’
Sinabi ng Paris 2024 chief na si Tony Estanguet, “We wanted to dream. We got Leon Marchand,” na ang tinutukoy ay ang French swimmer na nanalo ng apat na ginto.
Aniya, “From one day to the next Paris became a party and France found itself. From a country of grumblers, we became a country of frenzied fans.”
Sa dalawang linggong sporting drama, ay nasaksihan ng mundo ang dikit na laban ng Estados Unidos at ng China hanggang sa huling event.
Dinaig ng American women’s basketball ang France ng isang puntos, upang makuha ang ika-40 nilang gintong medalya at ang top spot sa medal table.
Paris 2024 Closing Ceremony – Stade de France, Saint-Denis, France – Aug 11, 2024. General view of the parade of athletes during the closing ceremony.
PHOTO: Reuters
Sinaluduhan naman ni International Committee President Thomas Bach ang mga atleta, nang ideklara niyang tapos na ang Games.
Aniya, “During all this time, you lived peacefully together under one roof in the Olympic Village. You embraced each other. You respected each other, even if your countries are divided by war and conflict. You created a culture of peace.”
Ang exit ni Cruise sakay ng isang motor ay naging hudyat sa pagsasara ng seremonya kung saan ipinakita ang isang prerecorded video ng 62-anyos na nag-skydive pababa sa Hollywood sign, kung saan sa pamamagitan ng isang wide shot ay nakita ang Olympic rings at ang LA landmark.
Pagkatapos, ang Olympic flag ay ipinasa mula sa mga noon at kasalukuyang US Olympians, habang binabagtas ang lungsod bago makarating sa isang beach party, kung saan nagperform ang LA music icons na kinabibilangan ng Red Hot Chili Peppers, ni Billie Eilish, Snoop Dogg at Dr. Dre.
Kinilala ni Los Angeles Mayor Karen Bass na ang Paris ay nagtakda nang mataas na pamantayan. Ngunit itinuturing ng City of Angels ang sarili na isang ‘beacon of diversity.’
Ang katatapos na Olympic ay mag-iiwan ng magagandang sporting memories sa France.
Ang France ay nagkaroon ng bagong ‘golden boy’ sa katauhan ng swimmer na si Marchand na lumitaw bilang ‘king of pool,’ habang naghari rin ang French judoka na si Teddy Riner na nakuha ang ika-lima niyang Olympic gold medal.
Iniwan naman ni Simone Biles ang hindi magandang pangyayari sa Tokyo, at isinakatuparan ang matagal nang hinihintay na pagbabalik niya sa Olympic sa harap ng mga manonood na kinabibilangan din ng mga celebrity. Itinanghal siya bilang ‘most decorated gymnast’ at tinapos ang kaniyang Olympic journey sa pamamagitan ng tatlong gintong medalya.
Nakahinga naman ng maluwag ang IOC dahil walang malaking eskandalong nangyari, bagama’t naharap din ito sa ilang mga kontrobersiya.
Ilan dito ay ang doping row na kinasangkutan ng Chinese athletes, at ang isyu ng gender eligibility sa women’s boxing competition, kung saan nabulgar ang hindi magandang relasyon ng IOC at ng International Boxing Association.
Samantala, nagbunga ng maganda ang ginugol na US$1.5 billion (S$1.98 billion) upang linisin ang River Seine, dahil sa ang ginanap na triathlon at marathon swimming competition sa ilog hanggang sa central Paris, ay hindi nagbunga ng pagkakasakit ng mga manlalaro.