Olympics matutuloy at walang makapipigil: IOC
SYDNEY, Australia (AFP) – Matibay ang paninindigan ni International Olympic Committee (IOC) vice-president John Coates, na walang makapipigil sa Tokyo Olympics para ito ay matuloy sa kabila ng nananatiling banta ng COVID-19.
Aniya, wala nang senaryo na makapagpapa-antala o makapagpapa-kansela sa Olympics laluna ngayong malapit na itong magsimula, na itinakda sa July 23, 2021.
Ayon kay Coates . . . “We’re working with Japanese Prime Minister Yoshihide Suga on all of the safety measures. It’s going ahead.”
Aniya, ang napakalaking bahagi ng trabaho ay nagawa na, para tiyakin ang kaligtasan ng mga atleta at ng mga mamamayan ng Japan.
Sinabi ni Coates, head ng coordination commission ng IOC . . . “We spent the first half of last year identifying all the worst-case scenarios, we spent the next six months looking at the countermeasures that are necessary. We’re implementing those countermeasures, predicted on there being no vaccine, so that situation has improved. The Games will go ahead.”
Itinaggi rin ni Coates ang mga alegasyon na mas binibigyang halaga ng IOC ang sport at salapi kaysa kalusugan.
Aniya . . . “All the precautions that we have been taking are aimed at the health of the athletes and the health of the people of Japan.”
Subalit patuloy na bumabangon ang mga katanungan kung matutuloy nga ba ang mga palaro, lalo’t nagpapatuloy ang pandemya at pinalawig pa ang isang virus state of emeegency sa Tokyo at iba pang bahagi ng Japan.
Bagama’t ang COVID-19 outbreak sa Japan ay namamalaging mas maliit kaysa iba pang mga bansa kung saan higit 10, 500 lang ang nasawi, mabagal ang kanilang vaccine rollout at lumitaw pa sa survey na karamihan ng mga mamamayang hapon ay sumusuporta sa kanselasyon o muling pagpapaliban ng Olympics.
@ agence france-presse