Ombudsman Morales, ipinagharap ng disbarment complaint sa SC

Ipinagharap ng disbarment complaint sa Korte Suprema si Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa pag-abswelto kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program.

Ang disbarment case laban kay Morales ay inihain ni dating Manila Councilor Greco Belgica na isa sa mga petitioner na kumuwestyon sa Korte Suprema noon sa DAP.

Ayon kay Belgica, nilabag ni Morales ang lawyer’s oath at canon of professional responsibility nang aprubahan nito ang resolusyon na nagaabswelto kay Aquino sa kasong technical malversation, usurpation of legislative powers, at graft kaugnay sa isyu ng DAP.

Dahil anya sa ginawa ni Morales na  ay pinagkaitan nito ang sambayanang Filipino ng kanilang right to procedural due process.

Nabigo rin anya ang Ombudsman na gampanan ang tungkulin nito na tiyaking maipapataw ang hustisya na paglabag sa rule 6.01 ng canon of professional responsibility

Nilabag din aniya ni Morales ang canon 7 dahil sa hindi nito pinanaig ang integridad at dignidad ng legal profession.

Una nang idineklara ng supreme court na iligal ang DAP.

 

Si Morales ay itinalaga ni  Aquino sa puwesto matapos itong magretiro bilang mahistrado ng Korte Suprema.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *