Omicron , posibleng mayroong “Higher reinfection risk ” subalit maaaring mas mahina kumpara sa Delta : WHO Chief
Posibleng mas mabilis na makahawa muli ang Omicron COVID-19 variant sa mga taong nagkaroon na ng virus o kaya ay bakunado na subalit maaring mild effect lamang.
Ito ang inihayag ng mga opisyal ng World Health Organization , batay sa mga data na kanilang nakalap.
Sinabi ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na batay sa data mula sa South Africa, mayroong “increased risk” ng reinfection ang Omicron subalit mayroon namang nakikitang ebidensya na mas mahina ang epekto nito kumpara sa Delta variant.
“Emerging data from South Africa suggests increased risk of reinfection with Omicron, but more data are needed to draw firmer conclusions. There is also some evidence that Omicron causes milder disease than Delta, but again, it’s still too early to be definitive.Tedros Adhanom Ghebreyesus, World Health Organization chief”
–Agence France-Presse