‘Omicron XE’ mino-monitor ng DOH
Patuloy ang koordinasyon ng Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO), upang beripikahin ang tungkol sa napaulat na ‘Omicron XE’ para mabatid kung may dala iyong panganib sa publiko sakaling madapuan nito.
Ang XE ay ‘mutant hybrid’ umano ng sub-variants na BA.1 at BA.2 ng Omicron.
Nakasaad sa mensahe ng DOH . . . “The DOH is in constant coordination with WHO regarding the reported ‘Omicron XE’ detected in Bangkok, Thailand.”
Patuloy din ang ginagawang monitoring at oberbasyon dito para malaman kung ito ba ay maikakategorya bilang bagong ‘sub-variant’ ng Omicron o panibagong variant ng COVID-19,
Aalamin din kung magpapakita ba ito ng panibagong katangian kumpara sa mga nauna nang variants.
Samantala, nagbigay din ng katiyakan ang DOH na patuloy nilang babantayan ang case trends sa bansa sa tulong ng Philippine Genome Center (PGC).
Una nang nagpalabas ng warning ang WHO hinggil sa bagong mutant XE variant ng Omicron, na mas mabilis umanong makahawa kumpara sa iba pang strain ng COVID-19.