On site skeleton workforce, ipatutupad sa SC dahil sa mataas na kaso ng COVID-19
Muling binago ang working arrangement sa Korte Suprema.
Sa memorandum order ni Chief Justice Alexander Gesmundo, ipatutupad ang on site skeleton workforce sa Supreme Court simula ngayong Lunes, Enero 10.
Ayon kay Gesmundo, ito ay bunsod ng naka-aalarmang dami ng bilang ng COVID-19 infections sa hanay ng mga kawani at para mabawasan ang pagkahawa pa sa mga court personnel.
Partikular na ipatutupad ang skeleton workforce sa Office of the Clerk of Court, Division Clerks of Courts, Judicial Records Office, Financial Management and Budget Office-SC, Office of Administrative Services, SC & Office of the Court Administrator, Financial Management Office -OCA, Court Management and Legal Offices-OCA, at Internal Audit Service.
Ang pasok ng mga obligadong kawani on-site ay mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon ng Lunes hanggang Biyernes.
Hindi naman aplikable ang on site skeleton workforce sa Office of the Bar Chairperson,Office of the Bar Confidant, at iba pang tanggapan na kasama sa paghahanda sa Bar Exams, Medical and Dental Services at Security and Maintenance Division.
Ang mga kawani na hindi papasok on site ay work from home.
Hindi na muna rin pinapayagan kahit ang limitadong personal filing ng initiatory pleadings sa SC.
Moira Encina