One Stop Shop LTOPF Caravan, isinagawa sa Caloocan City
Nagsagawa ng One Stop Shop License To Own and Possess Firearms o LTOPF, Firearms Registration and Permit to Carry Firearms Outside Residence o PTCFOR Caravan, sa lungsod ng Caloocan.
Sa pangunguna ng Northern Police District at ng Advisory Council sa pakikipagtulungan na rin ng Caloocan City Police Station, idinaos ang nasabing Caravan sa Phase 2 Bagong Silang, Barangay 176 sa nasabing lungsod.
Layunin ng nasabing caravan na isulong ang responsableng pagmamay-ari ng baril at ang patuloy na pagpapatupad at kampanya ng pambansang pulisya ukol sa “Oplan Katok”.
Isa rin itong oportunidad sa mga gun owner na mapadali ang pagpaparehistro ng kanilang baril maging ng renewal nito, na hindi na nila kailangan pang magtungo sa ahensiya.
Tiniyak naman na sumailalim sa 6 na hakbang sa pagkumpleto ng proseso ng kanilang pagpaparehistro ang gun owners.
Tinatayang 57 ang nakapag-aplay sa nasabing gun registration.
Kristine Leysa