One third ng Amazon, ‘sinira’ ng human activity at tagtuyot
Higit one third ng Amazon rainforest ang maaaring sinira ng human activity at tagtuyot ayon sa mga mananaliksik, at kinakailangan ng aksyon upang protektahan ang mahalagang ecosystem.
Sa isang pag-aaral na inilathala sa Science journal, sinabi ng mga mananaliksik na ang damage sa Amazon na ang lawak ay sumasaklaw sa siyam na mga bansa, ay higit na malaki kaysa una nang nalalaman.
Para sa pag-aaral, sinuri nila ang epekto ng sunog, pagtotroso, tagtuyot at mga pagbabago sa tirahan o habitat sa kahabaan ng hangganan ng kagubatan na tinatawag nilang edge effects.
Karamihan sa mga nakaraang pananaliksik sa Amazon ecosystem ay nakatuon sa mga kinahinatnan ng deforestation.
Natuklasan sa pag-aaral na ang sunog, pagtotroso at edge effects ay nakasira sa hindi bababa sa 5.5 porsiyento ng lahat ng natitirang kagubatan ng Amazon, o 364,748 square kilometers, sa pagitan ng 2001 at 2018.
Ngunit kapag isinaalang-alang ang mga epekto ng tagtuyot, ang nasirang lugar ay tataas sa 2.5 milyong square kilometers, o 38 porsiyento ng natitirang mga kagubatan ng Amazon.
Sinabi ng mga researcher, “Extreme droughts have become increasingly frequent in the Amazon as land-use change and human-induced climate change progress, affecting tree mortality, fire incidence, and carbon emissions to the atmosphere. Forest fires intensify during drought years.” At ibinabala na sa hinaharap ay maaaring magkaroon ng mas malalaki pang sunog o “megafires.”
Ginamit ng mga researcher mula sa Universidade Estadual de Campinas ng Brazil at iba pang mga institusyon ang satellite images at iba pang data mula 2001 – 2018 para mabuo ang kanilang konklusyon.
Sa isang hiwalay na pag-aaral na nalathala sa Science of the human impacts on the Amazon, nananawagan ng aksyon ang mga mananaliksik mula sa University of Louisiana Lafayette at iba pa.
Anila, “The Amazon is perched to transition rapidly from a largely natural to degraded and transformed landscape, under the combined pressures of regional deforestation and global climate change. The changes are happening much too rapidly for Amazonian species, peoples, and ecosystems to respond adaptively. Policies to prevent the worst outcomes are known and must be enacted immediately. To fail the Amazon is to fail the biosphere, and we fail to act at our peril.”
Nangako ang bagong pangulo ng Brazil na si Luiz Inacio Lula da Silva, na tatapusin na ang deforestation ng Amazon pagdating ng 2030.
© Agence France-Presse