OpenAI at Google hinamon ng Meta sa pamamagitan ng open-source AI
Naglabas ng bago at libreng bersiyon ng modelo ng kanilang artificial intelligence ang may-ari ng Facebook na Meta, na tila hamon sa ChatGPT-maker na OpenAI at Google.
Binuo ng OpenAI st Google ang kahanga-hanga at malalaking language models na nagsisilbing pundasyon ng ChatGPT at Bard chatbots, na nagpasabik sa marami dahil kakayahan nito na gayahin ang pagkamalikhain at kadalubhasaan ng tao.
Sa kabilang banda ay iniwasan naman ng Meta ang paglalabas ng generative AI products direkta sa consumer, sa halip ay binuo nito ang Llama, isang language model na partikular na binuo para sa mga researcher upang ma-perfect nila ito.
Ang Llama ay isang open-source, ibig sabihin ang inner workings nito ay available sa lahat upang pag-aralan at i-modify, hindi gaya ng headline-grabbing AIs na binuo ng OpenAI at Google.
Ang naturang mga model, kabilang ang world-leading GPT-4 ng OpenAI, ay sarado kung saan ang mga kliyente na gumagamit nito ay hindi nakaka-access sa kanilang programming code o mga detalyadong sagot sa kung paano hina-handle ang kanilang data.
Sa isang Facebook post ay sinabi ni Meta CEO Mark Zuckerberg, “Open source drives innovation because it enables many more developers to build with new technology. It also improves safety and security because when software is open, more people can scrutinize it to identify and fix potential issues.”
Ang bago, mas malakas na bersyon ng modelo ng Meta, na tinatawag na Llama 2, ay magiging available sa anumang negosyo para sa pag-download o sa pamamagitan ng serbisyo ng Azure cloud ng Microsoft sa isang espesyal na pakikipagsosyo sa gumagawa ng Windows.
Ang Microsoft tie-in ay bukod pa sa major partnership ng kompanya sa OpenAI, na nagpapahiwatig na nagtatangka ang Microsoft na pag-iba-ibahin ang kanilang AI offerings sa mga produktong magbibigay daan sa mga negosyo na magkaroon ng higit na kontrol sa kanilang data at software.