Opening ceremony ng 2023 SEA Games sa Cambodia, gaganapin sa bagong stadium na itinayo at ginastusan ng China
Libu-libong mga atleta mula sa magkabilang panig ng Asya ang darating sa Cambodia kaugnay ng pagsisimula ng Southeast Asian Games sa Biyernes, Mayo 5, na ang opening ceremony ay gaganapin sa bagong stadium na itinayo at ginastusan ng China.
Itatanghal ng Phnom Penh, kapitolyo ng Cambodia, ang 32nd edition ng biennial SEA Games, ang unang pagkakataon na ang Cambodia ang magiging host.
Higit sa 11,000 mga atleta, coaches at delegates mula sa 10 iba pang mga bansa ang lalahok sa Games na tatagal hanggang sa Mayo 17.
Magtatagisan ng lakas ang mga kalahok sa SEA Games, ngunit nakatuon din ang kanilang papanaw sa Asian Games sa China na gaganapin sa September-October at sa Paris Olympics sa susunod na taon.
Ang pinakamamagaling ng Southeast Asia ay maglalaban-laban sa athletics, swimming, badminton at football, maging sa mga hindi gaanong kilalang sports gaya ng Kun Bokator, isang sinaunang Cambodian martial art.
Kabilang sa world-class athletes na makikita sa SEA Games ay ang pole-vaulter na si Ernest John Obiena at weightlifter Vanessa Sarno, na kapwa mula sa Pilipinas, ngunit ang Philippine weightlifter na si Hidilyn Diaz, na isang Tokyo Olympic gold medallist, ay hindi lalahok.
Hindi naman maglalaro ang swimmer na si Joseph Schooling, ang 2016 Olympic gold medallist ng Singapore, na umatras noong Marso sa pagsasabing “wala siya sa lebel” para magawa ang kaniyang pinakamahusay na laro.
Umaasa ang Cambodia at si Prime Minister Hun Sen, na ang magiging pakinabang sa SEA Games ay lalampas sa dalawang linggong pagho-host ng bansa sa mga laro.
Sinabi ni tourism minister Thong Khon na siya ring pangulo ng National Olympic Committee, “The Games will not only promote sports but also boost Cambodia’s tourism in the post-Covid-pandemic era.”
Desidido ang gobyerno ni Hun Sen na ipakita ang katatagan ng bansa, dahil hindi pa isinagawa sa Cambodia noon ang palaro na ang isa sa dahilan ay karahasan at kawalan ng katatagang naranasan ng bansa, sa mga huling bahagi ng 20th century.
Ang isang matagumpay na kaganapan at maraming medalyang mapapanalunan, ay makatutulong sa pagpapasigla sa “national sentiment” dalawang buwan bago ang parliamentary elections.
Ang mga tiket ay libreng ipinamimigay at ang mga eskuwelahan at unibersidad ay isang buwang isasara, upang makapanood sa palaro ang mga mag-aaral. Kasunod ng SEA Games ang SEA Para Games sa unang bahagi ng Hunyo.
Hindi makukumpleto ang mga palaro nang wala ng ilang kontrobersiya sa pagitan ng mga magkakatunggali.
Ang pag-asa ng Cambodia na makakuha ng maraming medalya ay palalakasin ng pag-boycott ng Thailand sa event na kilala sa lokal na katawagang Kun Khmer, o mas malawak na kilala sa tawag na Muay Thai.
Ang pamimilit ng Cambodia na gamitin ang dating pangalan na Kun Khmer para sa Southeast Asian “art of eight limbs,” ang naging sanhi ng pullout, kung saan inalis na ang isa sa pinakamagaling na mga bansa para sa naturang combat sport.
Ang mga atleta mula sa 11 mga bansa, na kinabibilangan ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations at Timor-Leste, ay magpaparada ng kanilang mga watawat sa Biyernes, sa kabuuan ng 60,000 Morodok Techo National Stadium ng Phnom Penh.
Ang China na ang mga atleta ay hindi kasali, ang siyang sumagot sa $160 ginastos para sa stadium, na idinisenyo at itinayo ng Chinese firms.
Tinawag iyon ni Hun Sen na simbolo ng “iron-clad friendship” sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa gobyerno ng Phnom Penh, ang kabuuang gugulin para sa SEA Games, hindi pa kasama ang nagugol sa stadium dahil sinagot iyon ng China, ay $118 million.
© Agence France-Presse