Opening win sa Madrid itinuturing ni Djokovic na ‘best performance of the year”
Itinuturing ng top seed na si Novak Djokovic, na ang kaniyang straight-sets opening win laban kay Gael Monfilssa Madrid nitong Martes (Miyerkoles, Manila time), ay “best performance of the year.”
Tiniyak ng 20-time major champion na mapananatili niya ang kaniyang No. 1 ranking kahit man lang isang linggo pa, sa pamamagitan ng pagpapalawig sa kaniyang winning record laban kay Monfils sa pamamagitan ng 6-3, 6-2 victory sa Caja Magica.
Si Djokovic, na pumasok sa contest na may 17-0 head-to-head laban sa Frenchman na si Monfils, ay kailangang manalo sa kanilang second round match para maiwasang mawala sa kaniya ang top spot at mapunta sa second-placed na si Daniil Medvedev.
Ayon kay Djokovic . . . “I would probably rate it as the best performance of the year, I would say. I felt very good on the court. I’m very pleased, considering, you know, that up to today I was not playing my best tennis in the few tournaments that I played this year and still kind of finding my rhythm, finding my groove.”
Hinahanap pa ng three-time Madrid champion ang kaniyang rhythm, matapos na hindi makapaglaro sa malaking bahagi ng season nguni’t dumating sa Spanish capital galing sa isang runner-up win sa kaniyang home tournament sa Belgrade.
Nagawang i-save ng Serbian ang tatlong break points sa unang dalawa niyang service games, bago nakuha ang kontrol mula kay Monfils at maagaw ang isang one-set lead sa loob ng 47 minuto.
Dahil sa panalo ay susunod na makakaharap ni Djokovic si Andy Murray, na nagwagi naman laban sa Canadian 14th seed na si Denis Shapovalov.
Ito ang unang pagkakataong magkakaharap ang dalawa simula nang magkasagupa sila sa Doha final noong January 2017.
Ayon kay Murray . . . “In theory I should have no chance in the match, he’s obviously No. 1 in the world and I’m playing with a metal hip. It’s a great opportunity for me to see where my game’s at and to play against him again. We’ve had so many battles over the years at some of the biggest tournaments in the world.”