Operasyon ng mga Employment agencies sa bansa, dapat nang ipagbawal- ALU TUCP

Hindi tumutugon sa bersyon ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP, ang lahat ng probisyong nilalaman ng nilagdaang Executive Order ni Pangulong Duterte laban sa illegal contractualization.

Sa panayam ng Agila Balita, sinabi ni ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, walang pinagbago ang mga probisyon sa nalagdaang EO gaya ng EO 174 at mga probisyon sa Labor Code lalu na ang pagiging Directly-hired na dapat ibigay sa mga manggagawa.

Hindi rin katanggap-tanggap para sa kanila na ang mga agencies ang magha-hire sa mga empleyado para ma-regular sa trabaho dahil hindi nila ibinibigay ng buo ang daily rate ng isang empleyado.

Bukod dito, ang mga Employment agencies ay hindi nagre-remit ng mga government benefits para sa mga empleyado gaya ng SSS, GSIS, Philhealth at iba pa.

Binigyang diin ni Tanjusay na ang nilagdaang EO ni Pangulong Duterte ay hindi ang ibinigay na bersyon ng kanilang grupo kundi ang EO ng mga employers at mga negosyante.

“Ito nga ang nagpalala sa endo at contractualization eh, yung mga agencies na ito eh. Yung binibigay na tamang minimum wage sa mga manggagawa, for example yung principal owner ay nagbibigay ng 512 pesos per day sa labor contractor tapos pagdating ng minimum wage na iyon sa mga manggagawa, hindi na yun 512, kundi 300 pesos na lang. Bukod dito hindi sila nagre-remit ng SSS, Pag-Ibig at Philhealth. So kahit iregular mo sila sa Manpower agency, eh Endo Contractual pa rin sila”.

Samantala, sinabi ni Tanjusay na ang draft ng kanilang EO na hindi napirmahan ni Pangulong Duterte ay dadalhin nila at ikakampanya nila sa Bicameral conference committee.

 

 

 

=============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *