Operasyon ng mga Video Arcades, Sinehan at ilan pang negosyo, ipinatigil muna simula ngayong araw
Pansamantalang ipinasara ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang negosyo dahil sa paglobo ng kaso ng Covid-19.
Sa ilalim ng IATF Resolution No. 103, simula March 19 hanggang Aoril 4 hindi muna maaaring mag-operate ang mga Driving school, sinehan, mga Video at Interactive Game Arcades, Museums, Cultural at Social events kasama na ang mga Tourist attractions na una nang pinayagan noong Pebrero
Pero nilinaw na hindi kasama sa tigil operasyon ang mga Tourist attractions na nasa mga open-air.
Samantala, lilimitahan rin sa 30% ang mga meeting, Business gathering kasama na ang mga Religious gathering.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinauubaya na sa mga Lokal na Pamahalaan kung lilimitahan sa 30% ang Religious gathering sa iba pang lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) o batay sa kundisyon ng kanilang mga lugar.
Babawasan rin ang maximum capacity ng mga Dine-in restaurants, Cafe at personal care services sa 50% mula sa kasalukuyang 75%.
Hinihikayat rin ang iba’t-ibang sektor na ipagpaliban muna ang mga Non-Critical activities na maaaring humantong sa virus infections.
Meanne Corvera