Operasyon ng MRT-3, suspendido mula Abril 13 – 17
Suspendido na ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 ngayong araw dahil sa preventive maintenance shutdown.
Ngayong araw sinimulan ang fire pump, at water pump sa mga istasyon ng MRT-3.
Nagsagawa ng functional test at cleaning activity sa mga nasabing equipment upang masigurong gumagana at malinis ang mga nasabing panel.
Ang fire pump ang ginagamit upang makapagbigay ng hydraulic pressure para sa mga lugar na mayroong water sprinklers sa mga istasyon tulad ng station control room, ticket offices at police offices.
Habang ang water pump naman ay ginagamit upang makapagbigay ng water supply sa mga public comfort room sa mga istasyon.
Samantala, ang sump pump naman ay ginagamit upang hindi magbara ang mga septic tanks at drainage system sa may elevator pit.
Ang maintenance shutdown ay ginagawa upang mapanatiling functional at maayos ang mga kagamitan na ginagamit ng rail line na tatagal hanggang linggo, ika-17 ng abril 2022.
Babalik ang normal na operasyon ng MRT sa lunes April 18.
Meanne Corvera