Operasyon ng tatlong pantalan sa Bicol region, pansamantalang itinigil
Pansamantalang itinigil ang operasyon ng tatlong pantalan sa Bicol region na matinding hinagupit ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, kabilang na rito ang port sa Catanduanes, Tabaco, at Albay
Dahil dito hindi na muna papayagan ang mga barko at pasahero lalo na ang roll on roll off.
Pero nagbigay na ng utos ang kalihim na bilisan ang rehabilitasyon dahil maaring makaapekto ito sa relief operations.
Maliban sa tatlong pantalan sinabi ng kalihim na nagkaroon rin ng bahagayang damage ang ilang airports dahil sa bagyo kabilang na ang Legazpi Airport.
Nasira rin ang glasswall panel ng Bicol International Airport dahil sa lakas ng hangin habang nag-collapse naman ang breakwater sa Marinduque Airport dahil sa storm surge.
Gayunman , balik operasyon na ang mga paliparan.
Meanne Corvera