Operational capacity ng mga tanggapan sa SC mananatili sa 30% hanggang sa November 5

Limitado pa rin sa 30% ang mga kawani na pinapayang pumasok ng pisikal sa mga tanggapan o units sa Korte Suprema mula November 3 hanggang 5.

Ito ay maliban na lamang sa Office of the Bar Confidant, Medical and Dental Services, Security Division, at Maintenance Division na puwede hanggang 50% ang operational capacity.

Sa memorandum order na inilabas ni acting Chief Justice Estela Perlas- Bernabe, sinabi rin na bawal pa rin ang personal filing sa Korte Suprema sa mga nabanggit na petsa.

Ang mga nasabing panuntunan ay bahagi pa rin ng pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 sa Supreme Court.

Moira Encina

Please follow and like us: