Operational capacity sa SC at appellate collegiate courts sa NCR, itinaas sa 50%
Mas marami na ang mga kawani ng Korte Suprema at appellate collegiate courts sa Metro Manila ang pinayagan na pisikal na pumasok sa trabaho simula ngayong Lunes, Nobyembre 8.
Ito ay matapos na ibaba sa Alert Level 2 ang quarantine classification sa NCR mula Nobyembre 5- 21, 2021.
Sa magkahiwalay na memorandum order at administrative circulae circular na inilabas ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sinabi na mula sa 30% na operational capacity ay itinaas na sa 50% ang maaaring magreport ng pisikal sa mga tanggapan ng Supreme Court at appellate collegiate courts.
Ang nalalabing tauhan ng mga hukuman ay mananatiling work-from-home.
Para sa mga empleyado ng SC na pisikal na papasok sa unang pagkakataon matapos ang 15 consecutive days ay kailangan munang magtungo sa testing center para sumailalim sa antigen test bago dumiretso sa kani-kanilang opisina o units.
Moira Encina