Oplan metro, ikakasa na ng MMDA simula bukas
Simula bukas April 8, pagaganahin na ng Metro Manila Development Authority ang Oplan metro alalay semana santa.
Ayon kay MMDA Chairman Romande Artes, sa ilalim ng Oplan mass 2022 2,681 na mga personnel ang ipapakalat sa mga major thoroughfares at mga transport hubs.
Kabilang na rito ang mga provincial bus terminal, seaport at airport dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.
Hindi aniya maaring mag day- off ang mga traffic at field personnel para matiyak na magiging maayos ang daloy ng trapiko.
Suspendido naman ang number coding sa Metro manila mula April 14 Huwebes hanggang April 15 Biyernes.
Meanne Corvera
Please follow and like us: