‘Oppenheimer’ humakot ng parangal sa BAFTAs kabilang ang best film, director at actor awards
Wagi ng pitong karangalan ang atomic bomb epic na “Oppenheimer,” kabilang ang best picture, director at actor, sa 77th British Academy Film Awards (BAFTA), na nagpalakas sa kaniyang front-runner status para sa Oscars sa susunod na buwan.
Nakakuha naman ng limang awards ang gothic fantasia na “Poor Things” at ang Holocaust drama na “The Zone of Interest” ay tatlo.
Napanalunan ni Christopher Nolan ang una niyang best director BAFTA para sa “Oppenheimer,” at si Cillian Murphy ang nagwagi ng best actor prize para sa kaniyang pagganap bilang ang physicist na si J. Robert Oppenheimer, ang ama ng atomic bomb.
Sinabi ni Murphy, “I was grateful to play such a ‘colossally knotty, complex’ character.”
Nakuha ni Emma Stone ang best actress para sa pagganap sa papel ng ‘wild and spirited’ na si Bella Baxter sa “Poor Things,” isang steampunk-style visual extravaganza na nanalo rin ng mga award para sa visual effects, production design, costume design, at makeup and hair.
Ang “Oppenheimer” ay nangunguna na sa pamamagitan ng 13 mga nominasyon, ngunit hindi nito naabot ang record na siyam na trophies na nakuha noong 1971 ng pelikulang “Butch Cassidy and the Sundance Kid.”
Dinaig ng “Oppenheimer” sa best film category ang mga katunggaling “Poor Things,” “Killers of the Flower Moon,” “Anatomy of a Fall” at “The Holdovers.”
Napanalunan din ng “Oppenheimer” ang trophy para sa editing, cinematography at musical score, maging ang best supporting actor prize para kay Robert Downey, Jr.
Best supporting actress naman si Da’Vine Joy Randolph para sa pagganap sa papel ng boarding school cook sa “The Holdovers.”
Aniya, “I felt a ‘responsibility I don’t take lightly’ to tell the stories of underrepresented people like my character Mary.”
Humarap ang “Oppenheimer” sa matinding kumpetisyon sa malawakang itinuturing na isang vintage year para sa cinema at isang season ng parangal na pinasigla sa pagtatapos ng mga strike ng mga aktor at manunulat na nagpatigil sa Hollywood sa loob ng maraming buwan.
Kapwa naman napanalunan ng “The Zone of Interest,” isang British-produced film na kinunan sa Poland na ang marami sa cast ay German, ang best British film at best film not in English, at nakuha rin ang award para sa best sound, na inilarawan bilang ‘real star’ ng pelikula.
Ang unsettling drama ni Jonathan Glazer, ay nangyari sa isang family home sa labas lamang ng Auschwitz death camp, kung saan naririnig lamang nila at hinuhulaan, hindi nakikita kung ano ang mga kahindik-hindik na nangyayari doon.
Sinabi ng producer na si James Wilson, “Walls aren’t new from before or since the Holocaust, and it seems stark right now that we should care about innocent people being killed in Gaza or Yemen or Mariupol or Israel. Thank you for recognizing a film that asks us to think in those spaces.”
Wagi naman bilang best documentary, ang Ukrainian war documentary na “20 Days in Mariupol” na produce ng The Associated Press at ang “Frontline” ng PBS.
Ayon sa filmmaker na si Mstyslav Cherbov, “This is not about us. This is about Ukraine, about the people of Mariupol. The story of the city and its fall into Russian occupation ‘is a symbol of struggle and a symbol of faith.’ Thank you for empowering our voice and let’s just keep fighting.”
Ang awards ceremony, na hosted ng “Doctor Who” star na si David Tennant, na pumasok sa entablado bitbit ang isang aso na nagngangalang Bark Ruffalo, ay isang maningning at British-accented appetizer para sa Academy Awards ng Hollywood, na mahigpit na sinusubaybayan para sa mga “hint” tungkol sa kung sino ang maaaring manalo sa Oscars sa March 10.
Samantala, ang prize para sa original screenplay ay napunta sa French courtroom drama na “Anatomy of a Fall.”
Ang pelikula na tungkol sa isang babae na nililitis kaugnay ng pagkamatay ng kaniyang asawa, ay isinulat ng direktor na si Justine Triet at kaniyang partner, na si Arthur Harari.
Biro ni Triet, “It’s a fiction, and we are reasonably fine.”
Napanalunan ni Cord Jefferson ang adapted screenplay prize para sa satirical na “American Fiction,” tungkol sa kinaharap na pagsubok ng isang African-American novelist
Ayon kay Jefferson, “I hope the success of the movie ‘maybe changes the minds of the people who are in charge of greenlighting films and TV shows,’ allows them to be less risk-averse.”
Siyam ang nakuhang nominasyon ng historical epic na “Killers of the Flower Moon” para sa awards na opisyal na tinatawag na EE BAFTA Film Awards, ngunit walang napanalunan.
May disappointment din para sa Leonard Bernstein biopic na “Maestro,” na mayroong pitong nominasyon ngunit walang napanalunan kahit isa. Gayundin ang grief-flecked love story na “All of Us Strangers” na nakakuha ng anim na nominasyon, at ang barbed class-war dramedy na “Saltburn,” na mayroon namang limang nominasyon, subalit pawang walang naiuwing award.
Umuwing luhaan ang “Barbie,” ang kalahati ng 2023 “Barbenheimer” box office at top-grossing film ng taon, bagama’t nakakuha ito ng limang nominasyon.
Nabigo rin ang “Barbie” director na si Greta Gerwig na makakuha ng directing nomination para sa BAFTAs o sa Oscars, na ayon sa marami ay isang ‘major snub.’
Tanging si Triet lamang ang babae sa anim na nakakuha ng best director nomination ngayong taon.
Ang Rising Star award, ang nag-iisang kategorya na ang mananalo ay pinagpapasyahan sa pamamagitan ng boto ng publiko, ay nakuha ni Mia McKenna-Bruce, bida sa “How to Have Sex.”
Bago ang seremonya, ang mga nominee, kabilang sina Bradley Cooper, Carey Mulligan, Emily Blunt, Rosamund Pike, Ryan Gosling at Ayo Edebiri ay pawang naglakad sa red carpet sa Royal Festival Hall ng London, kasama ng presenters na sina Andrew Scott, Cate Blanchett, Idirs Elba at David Beckham.
Guest of honor si Prince William na siyang pangulo ng British Academy of Film and Television Arts. Dumating siya nang wala ang asawang si Kate, na nagpapagaling pa matapos sumailalim sa abdominal surgery noong isang buwan.
Ang seremonya ay kinatampukan ng musical performances nina “Ted Lasso” star Hannah Waddingham, na kinanta ang “Time After Time,” at Sophie Ellis-Bextor, na inawit ang kaniyang 2001 hit na “Murder on the Dancefloor,” na nanguna sa charts makaraang itampok sa “Saltburn.”
Pinarangalan naman ang film curator na si June Givanni, founder ng June Givanni PanAfrican Cinema Archive, para sa outstanding British contribution to cinema, habang ang aktres na si Samantha Morton ay binigyan naman ng BAFTA Fellowship, ang pinakamataas na karangalan ng akademya.
Si Morton, na lumaki sa foster care at children’s homes ay nagsabi, “Representation matters. The stories we tell, they have the power to change people’s lives. Film changed my life, it transformed me, and it led me here today.”
Dagdag pa niya, “I dedicate this award to every child in care, or who has been in care and who didn’t survive.”