“Oppenheimer” isang babala sa mundo tungkol sa AI ayon sa direktor nito
Iginiit ng direktor na si Christopher Nolan, na ang istorya sa pag-imbento sa atomic bomb na ikinuwento sa bagong pelikulang “Oppenheimer” ay isang “warning” sa mundo na nakikipagbuno sa artificial intelligence.
Sinabi ng British-born maker ng “Memento,” “Dunkirk,” at “Batman” trilogy, “I believe a lot of the anguish around technology ‘in our imagination stems from (Robert) Oppenheimer,’ the physicist who helped invent nuclear weaposn during World War II.”
Ayon kay Nolan, “What I and my team at the Los Alamos Laboratory in the United States did was ‘the ultimate expression of science’… which is such a positive thing, having the ultimate negative consequences.”
Tulad noon, ang nakagugulat na pag-unlad sa artificial intelligence (AI) ay nagpapalaki ng katulad na takot tungkol sa mga panganib ng isang teknolohiya na may potensyal na ang kahihinatnan ay hindi makontrol.
Ang ilan ay nag-aalala na ang AI ay maaaring makatakas sa mga tagalikha nito at ilagay sa panganib ang sangkatauhan, tulad ng mga siyentipiko at iba pa na nabalisa walong dekada na ang nakalilipas sa pagsisimula ng nuclear age.
Sinabi ni Cillian Murphy na isa sa artista ni Nolan na gumanap sa papel ni Oppenheimer, “That was a moment in history. This is one too.”
Ayon kay Nolan, “Artificial intelligence researchers refer to the present moment as an ‘Oppenheimer moment,’ or the first atomic tests, when some feared nuclear fission would lead to an uncontrolled chain reaction that would pulverise the entire planet.”
Aniya, “Those now working on AI ‘look at my story for some guidance as to what is their responsibility’ — as to what they should be doing. But I don’t think it offers any easy answers. It is a cautionary tale. It shows the dangers.”
Dagdag pa niya, “The emergence of new technologies is quite often accompanied by a sense of dread about where that might lead.”
The cast of “Oppenheimer” including US actor Matt Damon (2ndL) and US actor Rami Malek (L) pose together after walking out early of the UK premiere of “Oppenheimer” in central London on July 13, 2023 in solidarity with Hollywood actors’ union strike. (Photo by HENRY NICHOLLS / AFP)
Ang pelikula ni Nolan ay tungkol sa “dilemma” na kinaharap ng mga siyentipikong sangkot sa Manhattan Project, ang codename ng drive na bumuo sa mga bomba na kalaunan ay ibinagsak sa Hiroshima at Nagasaki.
Banggit ni Nolan, “They had lived through World War I and they were trying to end World War II.”
Nawalan ng kabuluhan ang argumento ni Oppenheimer para sa international control ng mga sandatang nuklear, sa pag-asang hahantong ito sa kapayapaan.
Sabi pa ng direktor, “Many would argue that ‘actually some stability in the world has been achieved through the existence of these weapons’. Personally, I don’t find that reassuring, but it just goes to show there are absolutely no easy answers to the dilemma.”
Ang digmaan sa Ukraine ay muling nagpagising sa banta ng nuclear Armageddon na nagpapataas ng tensyon sa pagitan ng mga superpower na hindi na nakita mula noong matapos ang Cold War.
Ang aktor na si Matt Damon, na gumaganap bilang Heneral Leslie Groves, ang pinuno ng Manhattan Project, ay nagsabi na ang nakaraang taon ay isang reality check na ang panganib ng nuclear disaster ay naroroon pa rin.
Sinabi ng 52-anyos na aktor, “How did I forget about this? It’s like the Cold War ended and my brain played a trick on me and said, ‘OK, let’s put that away, you don’t have to worry about that anymore’ — which is absurd. But as soon as Russia invaded Ukraine ‘suddenly overnight it became the most important thing for us all’ to think about again.”
Makakalaban ng “Oppenheimer” ang “Barbie” sa pinakamalaking sagupaan ng Hollywood summer blockbusters, kung saan kapwa sila magbubukas sa parehong araw, sa isang tunggaliang binansagan ng media na “Barbenheimer.”