Oral Arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon kontra Anti-Terror Law, ipinagpaliban sa Pebrero 2
Kinansela ng Supreme Court ang Oral arguments sa mga petisyon laban sa Anti Terror law na gaganapin sana sa Martes, Enero 19.
Sa isang pahinang abiso mula sa Office Of The Clerk Of Court, sinabi na ipinagpaliban sa Pebrero 2 sa ganap na alas-2:30 ng hapon ang oral arguments.
Nakasaad sa abiso na hiniling ni Solicitor General Jose Calida na masuspinde ang oral arguments makaraang magpositibo sa COVID-19 ang kanyang Assistant Solicitor General at iba pang tauhan na haharap sana sa Martes
Binigyang-diin naman ng Korte Suprema na hindi na papayagan sa mga susunod ang postponement pa ng oral arguments sa mga Anti-Terror Law petitions.
Moira Encina