Oral arguments ng SC sa mga petisyon laban sa NCAP, isasagawa ngayong Martes
Diringgin na ngayong Martes ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapatupad ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).
Itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa ganap na 2:00 ng hapon.
Una nang ipinag-utos ng SC ang pansamantalang pagpapatigil ng implementasyon ng polisiya sa limang lungsod sa Metro Manila kasunod ng mga petisyon laban dito.
Kabilang sa mga nagsampa ng petisyon ang mga transport groups na KAPIT, PASANG MASDA, ALTODAP, at ACTO.
Gayundin ang isang abogado na nagmulta ng P20,000 dahil sa NCAP.
Sinabi ng petitioners na walang legal na batayan at labag sa Saligang Batas ang implementasyon ng NCAP kaya ito dapat ipawalang-bisa.
Moira Encina