Oral arguments sa Anti- Terror law petitions, itutuloy dalawang linggo matapos alisin ang ECQ sa NCR
Muling ipinagpaliban ang oral arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon laban sa Anti- Terrorism Act.
Ito ay dahil sa patuloy na pag-iral ng ECQ sa Metro Manila.
Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, sinabi na itutuloy ang oral arguments dalawang linggo pagkatapos na tanggalin ang ECQ sa NCR.
Ang panig na ng Office of the Solicitor General na abogado ng gobyerno ang nakatakdang magprisinta ng kanilang argumento at sumalang sa interpelasyon ng mga mahistrado.
Una nang itinakda ng Supreme Court nitong Martes, April 6 ang ika-limang araw ng oral arguments sa ganap na alas-2:30 ng hapon.
Ito na ang ika-apat na pagkakataon na sinuspinde ang ika-limang round ng oral arguments mula noong March 9.
Moira Encina