Oral arguments sa petisyon ni Sen. de Lima, ipagpapatuloy ng Korte Suprema
Itutuloy ng Korte suprema ang ikatlong round ng oral arguments sa petisyon ni Senadora Leila de Lima na ipawalang-bisa ang pag-aresto sa kanya ng Muntinlupa Regional Trial Court kaugnay sa kaso nitong iligal na droga.
Sa pagpapatuloy ng oral arguments , ang panig naman ng pamahalaan na kakatawanin ni Solicitor general Jose Calida ang maglalahad ng kanilang argumento at sasalang sa interpelasyon ng mga mahistrado.
Naniniwala ang OSG na dapat mabasura ang petisyon ni de Lima dahil ang ginagawa nito ay forum shopping at paglabag sa hierarchy of courts.
Pineke rin anila ng Senadora ang notarized document sa petisyon nito sa Supreme Court.
Iginiit ni Calida walang mali sa kautusan ni Judge Juanita Guerrero ng Branch 204 ng Muntinlupa RTC na ipaaresto si de Lima dahil may eksklusibong hurisdiksyon ang RTC sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ulat ni: Moira Encina