Oral Health Maintenance
Kalinisan, ito ang dapat na ugaliin ng bawat isa. Hindi lamang sa pangangatawan kundi maging sa ating mga ngipin, kasabay ng pagkain ng masusustansiyang pagkain para tumibay ang ngipin.
Pwedeng sabihin ninyo na tatlong beses nga akong magsepilyo ng ngipin, pero, by the book, twice lang dapat na mag brush ng teeth at hindi dapat na malakas na pagsesepilyo dahil pwedeng magasgas ang ngipin.
Hindi kaila sa marami na ang bibig ang dirtiest part of the body. Kaya nga napakahalaga na nagsesepilyo tayo ng ngipin bilang bahagi ng kalinisan. Nakalulungkot na ang iba nga lang ay kinalilimutan ang pagsesepilyo sa gabi, nakakatulugan na, hindi napapanatili ang oral hygiene lalo na ng mga bata.
Ang flossing sa mas madalas na pagkakataon ay hindi nagagawa, gayung mahalaga ito.
Nakalilimutan din ang paglilinis ng dila. Bihira ang mga nagba-brush ng dila o nag scrape ng dila, na kung tutuusin, ang dila ang pinaka carpet ng bibig, sahig kung saan dumidikit ang bacteria.
May dalawang klase o uri ng oral health maintenance. Ang isa ay ang personal hygiene na hindi na kailangang bantayan pa ng dentista tulad ng pagsesepilyo, flossing, maglinis ng dila at pag-inom ng tubig, pagkain ng prutas at gulay .
Samantala, ang ikalawang oral health maintenance ay ang professional dental care. Ang check-up sa ngipin ay importante. Ang cleaning ay napakahalaga. Hindi pare-pareho ang cleaning. May cleaning na ang kailangan ay every three months, may cleaning na twice a year.
Kaya dapat ay magpa-dental check-up. Maraming maintenance sa professional dental care. Ang pinakamahalaga na hindi rin dapat na kalimutan ay ang dental x- ray o panoramic x-ray, kung tawagin. Dito makikita ang maraming bagay, halimbawa, kung may cyst sa ilalim ng ngipn o kaya ay naputol na ngipin na naiwan.
Yearly dapat na nakapagpapa dental check-up tayo. Meron tayong 32 ngipin at hindi natin alam kung saan tumira ang mga mikrobyo.
Kung iniisip natin na napakamahal ng dental x-ray, huwag tayong mangamba, naglalaro lamang ito sa P 800-1,000 pesos, affordable pa rin. Remember, prevention is better than cure. Dito malalalaman kung ang mga ngipin ay hindi bulok sa ilalim.
Paalala, mahalaga ang kalusugan ng ngipin, bata o matanda man. Para maging masigla, dapat ngipin ay alaga!