Organic farming sagot para matamo ang P20/kilo ng bigas na pangarap ni PBBM
Positibo ang isang agri group na kayang tamuhin ang aspirasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibaba sa P20/kilo ang presyo ng bigas sa bansa.
Pero sinabi ng Unigrow Agri Development Service na posibleng mangyari ito kung aayuda ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA).
Sinabini Jess Las Marias, technical adviser ng Unigrow Agri Development Service na mapapababa ang cost of production ng palay sa pamamagitan ng teknolohiya na ginagamit ng kumpanya
Ayon kay Las Marias gumagamit ang Unigrow ng Bio-organic fertilizer na higit na mababa ang presyo kaysa synthetic o chemical fertilizers.
Paliwanag ni Las Marias na ang organic farming ay makakatulong ng malaki sa agriculture system ng bansa dahil mapapanatili nito ang natural nutrients ng mga lupang sakahan at ang ani ay hindi nalalayo sa paggamit ng mga chemical fertilizers.
Ang Unigrow Agri Development Service ang siyang nagsu-supply ngayon ng bigas na nagkakahalagang P25/kilo ng bigas na ibinibenta sa Kadiwa Store ng DA main office sa Quezon City.
Vic Somintac