OSG hiniling sa SC na ipaubaya na sa Muntinlupa RTC ang pagresolba sa illegal drug trade case ni Sen. de Lima
Umapela si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na hayaan ang Muntinlupa Regional Trial Court na resolbahin ang kaso laban kay Senadora Leila de Lima.
Iginiit ni Calida sa oral arguments sa Supreme Court na dahil na nakahain na sa sala ni Branch 204 Judge Juanita Guerrero ang mosyon ni de lLma na ibasura ang kaso laban sa kanya ay dapat ipaubaya na ito sa hukom.
Wala na ring nakikitang dahilan ang SOLGEN sa hirit ni de Lima na ipatigil sa Supreme Court ang arrest order sa kanya dahil sa nakakulong na naman ito.
Paliwanag pa ni Calida hindi dapat kwestyunin sa Korte Suprema ang ginawang evaluation ni Guerrero sa ebidensya kaya ito naglabas ng arrest warrant dahil hindi naman trier of facts ang Supreme Court.
Dahil dito dapat anyang ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ni de Lima binigyan ng 20 araw ng SC ang kampo ni de Lima at ng gobyerno para isumite ang kani- kanilang memoranda.
Sa oras na ito ay maihain na ituturing nang submitted for resolution ang petisyon ni de Lima
Ulat ni: Moira Encina