OSG pinag-aaralan ang posibleng paghahain ng reklamo laban sa China kaugnay sa pagkasira ng corals sa West Philippine Sea
Nagsasagawa na ang Office of the Solicitor General (OSG) nang malalalimang pag-aaral sa mga legal na hakbangin ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa mga isyu sa West Philippine Sea.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, nasa fact-finding at data gathering stage na ang OSG.
Aniya, susuriin ng OSG ang merito ng bawat legal option.
Kabilang sa mga ikinukonsidera aniya ng OSG ay ang paghahain sa international tribunal ng mga reklamo kaugnay sa pagkasira ng mga likas na yaman sa West Philippine Sea
Sinabi ni Guevarra na posibleng isampa ang mga reklamo sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague sa The Netherlands na may kaukulang hurisdiksyon sa isyu.
Nilinaw ni Guevarra na maingat ang pag-aaral ng OSG sa isyu dahil na rin sa mga posibleng epekto ng anumang aksyon ng estado sa mga long-term na interes ng bansa.
“The OSG has embarked on an in-depth study of various legal options that the Philippine government may consider in relation to WPS issues with China.”
We are in the fact-finding and data gathering stage. Eventually we shall evaluate the merits of each and every legal option, including the possible filing of a complaint for damages before an international tribunal with proper jurisdiction, such as the Permanent Court of Arbitration at The Hague.
We are doing this study with utmost care and circumspection because of the potential impact of any state action on our long-term national interest.” pahayag ni SolGen Menardo Guevarra
Moira Encina