OSG umapela sa Makati RTC Branch 148 at 150 na ipagutos na ang pag-aresto laban kay Senador Trillanes
Hiniling din ng Office of the Solicitor General sa Makati City RTC Branch 148 at 150 na magpalabas na ng warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na matagal nang nakabinbin sa mga nasabing hukuman ang mosyon ng DOJ na ipaaresto si Trillanes dahil sa mga kasong kudeta at rebelyon.
Ipinunto pa ng SolGen sa komento na inihain nito sa Supreme Court na batay sa kanilang imbestigasyon, hindi humarap sa notaryo si Trillanes para mapanumpaan ang kanyang petisyon.
Ayon sa OSG, mula September 3 ay nagkulong na sa opisina nito sa Senado at wala naman sa record ng Senado na mayroong isang Atty. Jorvino Angel na Notary Public na bumisita doon noong September 5 na petsa kung kailan daw pinanumpaan ni Trillanes ang petisyon nito.
Alinsunod sa mga patakaran, kailangan na personal na panumpaan ng nagpapanotaryo sa harap ng Notary Public ang mga dokumento.
Ulat ni Moira Encina